Jeepney (PART 1)
“Napapagod na ko sa biyahe ko sa pagpasok araw- araw.”
Mahinang bulong ni Kyle sa kanyang sarili habang naghahanda sa kanyang pagpasok
sa eskwelahan. Nagaaral sa isang kolehiyo sa lungsod at umaabot ng halos
dalawang oras ang kanyang biyahe.
“Ma Letran galing Sta Cruz, estudyante po!” sigaw ni Kyle
galing sa dulo ng jeep .
Sa kalahatian ng biyahe at nakatulog na siya dahil sa simoy
ng hangin na umaagos sa mukha niya, isang mabangong halimuyak na biglang
nagulat at mejo lumikot ang paggalaw nya dahil sa bango na parang isang paraiso
ang kanyang narating. Pag dilat ng kanyang mga mata may isang mahinang halahak
siyang narinig, isang magandang dilag ang nakapikit ang mahinang tumatawa
habang nakatingin siya at nagulat sa kagandahan nakita ito ng dalagita.
“Ayy. Kuya likot mo naman matulog eh. Hihihihihi,” mahinag
hagikgik ng babae sa kanyang tabi. Natawa narin siya dahil halos nakakadala ang
tawa ng magandang dalaga sa kanyang tabi. “sorry ate ha, nagulat ako eh,
kakaupo mo lang ba ha?” isang mejo
napahiyang tanong ng binata sa dalaga na napapangisi pa rin ang labi dahil sa
pagkakagulat ng binata na katabi.
“Ah, Oo eh. Sorry ha nakakatawa ka kasi matulog, ang CUTE mo
:’).” Biglang umaliwalas ang mundo ni Kyle habang inaalala ang mga salitang
ibinigay ng magandang dilag sa kanyang tabi, pagtingin niya sa harapan niya
nakita niya ang katapat niyang matandang babae na nakangiti sa kanya na parang
sumasangayon sa mga nagaganap sa kanya.
Lumipas ang oras at hindi na sila naguusap ng dalaga dahil sa hiya sa
magandang anghel sa kanyang tabi, ngunit habang nag nanakaw siya ng tingin
nakikita niya na nakakuraba parin pataas ang mga labi nito at halata niya na
natatawa parin ito. Hindi maipaliwanag ng binatilyo ang nararamdaman niya nang
mga oras na iyon ngunit malapit na siya sa kanyang destinasyon, isang malakas
na loob ang inilagay sa dibdib at tinanong sa dilag.
“Ate ano nga p-palang pangalaw, e-este pangalan mo pala?”
mabulol- bulol na tanong ni Kyle sa dalaga. Ngunit narinig niya ito na sumigaw.
“Manong para po!” Bababa na pala siya ng jeep, nalungkot ang
binata dahil huli na ng nagtanong siya;
Hanggang sa...
“CHOLEENE, nabubulol ka pa eh, nakakatawa ka talaga,” isang
mas nakaaliwalas na ngiti at medyo nakakapikon na tawa ang iniwan ng dalaga sa
binata na natulala nalang habang ito’y bumababa na ng jeep, hindi niya namalayan
na nakarating na siya sa eskwelahan.
“Ayy! S***! Manong diyan nalang sa tabi!”
ITUTULOY